Wednesday, November 28, 2018

ANG KUWINTAS

ANG KUWINTAS

Isinuri ni Allan N. Derain

Mula sa Pransiya ni Guy De Maupassant




PAGKILALA SA MAY-AKDA

Ang sumulat ng "Ang Kuwintas" ay si Guy de Maupassant. Ang isa sa unang layunin ng may akda sa pagsusulat niya ng mga akda ay akitin at ipaalam sa mambabasa ang kanyang nais iparating o ipahiwatig. Gusto niyang magbigay ng paalala at leksyon sa mga taong makakabasa at makauunawa ng akda.




URI NG PANITIKAN


Isang halimbawa ng maikling kwento ang "Ang Kuwintas". Taglay nito ang mga natatanging katangian: iisang kakintalan, may isang pangunahing tauhang may suliraning lulutasin, may pagtalakay sa maanlang bahagi ng buhay, may mahalagang tagpo, may mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na susundan ng wakas.

LAYUNIN NG AKDA

Layunin ng "Ang Kuwintas" na magbigay-aral na dapat makuntento tayo kung anong mayroon ang mga tao. At dapat pahalagahan natin kung anuman ang bigay ng Diyos sa atin.

PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

Ito ay pwedeng maging Dulog na Realismo dahil ang kanyang mga kuwento ay nagtatanghal ng pagkaganid sa kayamanan at naglalaman ng madilim na aspekto sa kalikasan ng tao. Makikita ito sa parte noong paghahanda nila sa darating na pagtitipon. Hinahangad kasi ni Mathilde na magmukha siyang may kaya kahit na ordinaryo lang ang kanilang pamumuhay.

TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema o paksa ng "Ang Kwintas" ay napapanahon at mas madadama ito ng mambabasa dahil ito ay nangyayari sa totoong buhay at halos lahat ng tao ay nakakaranas nito. Makabuluhan ito dahil mas maiintindihan ng  mga mambabasa ang mga layunin at ang tamang gawain sa buhay.

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

Ang bidang tauhan sa maikling kuwento ay walang kakuntentuhan. Siya ay taong likha ng lipunang ginagalawan, kung anong mayroon ang iba ay dapat mayroon siya. Ganoon din sa iba pang mga karakter, buhay magarbo ang nais.

TAGPUAN/PANAHON

Ang "Ang Kuwintas" ay isang maikling kuwento mula sa Pransya. Ang mga pangyayari at tagpuan ay may koneksyon sa panahon, kapwa, at lipunan ng maikling kuwento.

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Ang inilahad na akda ay makatotohanan hindi lang noong araw kung hindi hanggang ngayon. Ang balangkas ng akda ay simple lamang, madaling intindihin at makamasa. Maayos ang pagkakalapat nito mula sa simula, gitna, at wakas.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang kaisipan ng "Ang Kuwintas" ay walang kakuntentuhan ng isang tao, at kung anong puwedeng mangyari. Ito ay likas sa tao at lipunan na dapat ay nasa uso at nakakasabay sa madla.

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Ang mga salita na ginamit ay nakatulong at dahil doon ay mas naging maayos ang pagsulat. Dahil sa kakayahan ng manunulat ay mas naintindihan at mas gumanda ang akda na naisulat. Ito ay masining at makabuluhan dahil mas napalawak ng maayos ang pagsulat. Nakatulong ang masining na pagsulat upang mas gumanda at upang mas mapalawak pa ng maayos ang bawat detalye.

BUOD

Ang mag-asawang Loisel ay naimbitahan na dumalo sa isang piging ngunit pinoproblema naman ni Mathilde kung ano ang susuotin niya sa pagdiriwang na iyon. Tinutulungan siya ng kanyang asawa na makahanap ng maisusuot niya at lumapit na rin si Mathilde sa kanyang kaibigan para humiram ng alahas. Ngunit sa kasamaang palad, nawala ang kuwintas pagkatapos ng piging na siyang nagpabago sa buhay ng mag-asawang Loisel.







5 comments:

  1. Ano ang hindi makatotohanang pangyayari sa kwemto??

    ReplyDelete
  2. wala po, lahat po ay makatotohanang pangyayari

    ReplyDelete
  3. ano po yung hindi makatotohanan na nangyare sa kwento for activities lang po

    ReplyDelete